
EVENTS AND COMMEMORATION ACTIVITIES

Bayanihan para sa Kanlurang Dagat ng Pilipinas 2026


Noong ika-12 ng Hulyo, kaisa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng 2016 South China Sea Arbitral Award. Ito ay isang makasaysayang desisyon ng Arbitral Tribunal alinsunod sa mga probisyon ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na naglinaw at nagpatibay sa mga karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea sa ilalim ng pandaigdigang batas.
Kaugnay nito, hatid ng DILG ang Bayanihan para sa Kanlurang Dagat ng Pilipinas 2026 na may temang “Isang Bansa, Isang Dagat, Isang Paninindigan,” na gaganapin sa Lingayen, Pangasinan sa ika-23 ng Hulyo 2026.
Manood nang live, makilahok, at makiisa sa selebrasyon kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa opisyal na Facebook page ng DILG Philippines.

